SI Gabby Eigenmann ang isa sa mga aktor na walang kaere-ere sa katawan, tunay siyang artista dahil never siyang namili ng role, kahit anong role, at kahit pa mahirap na role.

Gabby

“Artista po ako at nang pinasok ko ang showbiz, sinabi ko na sa sarili ko na hindi ko pahihirapan ang producer ko, sa movies man o sa TV,” kuwento noon pa ni Gabby. “Pinasok ko ito, pangangatawanan ko, kaya never akong namili ng role, never akong tumanggi, gaano man ito kahirap o kung anuman ang character ko.”

Kahit ba nang i-offer sa kanya ang first role niya bilang isang bakla, hindi siya tumanggi? To think na lalaking-lalaki siya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Sa Dading? Hindi. Character lamang naman iyon. Kung napanood ninyo iyon, ‘di ba napakaganda ng story at doon ko first time nakasama si Glaiza de Castro, na ang husay-husay na ring umarte in 2014. Sa story, pinatunayan na kahit pa gaano kahirap, gagawin ng magulang ang lahat para sa kanilang anak kahit pa isa siyang bakla .”

Kaya hindi na nakagugulat ang change of character ni Gabby mula kay Vito Imperial, na isang mabagsik na lider ng Imperial family sa top-afternoon prime drama series na Contessa, ay naging si Duquessa Dolce Vita naman siya.

“Natawa nga ako na hindi lamang ako nag-make-up na tulad sa isang babae, nagsuot pa ako ng damit bilang isang duquessa, pantapat sa title role ni Glaiza de Castro na Contessa. No sweat sa akin ang role na ito, ini-enjoy ko.”

Nabuko na ni Contessa ang tunay na pagkatao ni Gabby as Vito Imperial. Bakla pala siya at karelasyon ang bodyguard niyang si Winston (Phytus Ramirez). Part ng paghihiganti ni Contessa ang pagpapahirap niya kay Vito hanggang sa maging isang mental patient. Pero matalino talaga si Vito, nagkunwari lamang pala siyang nababaliw at dahil sa mga koneksyon niya ay nakalabas siya ng mental institution at bumalik na bilang si Duquessa Dolce Vita. Todo naman ang resbak at pahirap niya kay Contessa.

“Pero bilib din ako sa stamina ni Glaiza sa ipinakikita niya rito, ang mga pahirap ko para lamang sa isang lalaki, pero nakaya niyang lahat. Marami pa kayong aabangang makapigil-hininga sa amin araw-araw, pagkatapos ng Eat Bulaga.

-NORA V. Calderon