Nahaharap sa kasong adultery ang isang ginang at ang umano’y kalaguyo nitong guwardiya matapos mabisto ang kanilang relasyon sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Hawak ng awtoridad ang mga suspek na sina Joeanna Marie Bernal, 26; at Aljohn Deuda, 23.

Sa imbestigasyon ng Parañaque City Police, nadiskubre umano ng mister ni Bernal ang umano’y relasyon ng mga suspek sa No. 5741 Tramo Street, Barangay San Dionisio, kahapon ng madaling araw.

Agad na ipinaaresto si Bernal, at ang kanya umanong kalaguyo, ng kanyang mister.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

-Bella Gamotea