Isinauli na ni dating chief justice Maria Lourdes Sereno sa Supreme Court ang ginamit niyang Toyota Land Cruiser na binili noong siya ay punong mahistrado.

Ayon kay Atty. Jojo Lacanilao, tagapagsalita ni Sereno, ibinalik ni Sereno ang mamahaling sasakyan noong Hunyo 20, isang araw matapos ibaba ng SC ang pinal na desisyon sa quo warranto case laban sa kanya.

Ang P5 milyon sasakyan ay kasama sa mga inilatag na dahilan sa impeachment complaint na inihain ni Atty. Larry Gadon laban kay Sereno.

Iniulat ng Commission on Audit na hindi nakasunod sa procurement law ang pagbili sa sasakyan.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

-Beth Camia