Laro Ngayon

(Calasiao Sports Complex)

5:00 n.h. – NLEX vs. SAN MIGUEL BEERMEN

MAKAHANAY sa upper four ng top 8 teams papasok ng playoffs ang hangad ng defending champion San Miguel Beer sa pagsagupa nito sa sibak ng NLEX squad sa kanilang out of town game ngayong hapon na gaganapin Calasiao Sports Complex sa Pangasinan.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Taglay ang patas na barahang 4-4, panalo-talo sasagupain ng Beermen ang Road Warriors (2-7) ganap na 5:00 ng hapon.

Nasa panglimang puwesto ang Beermen kasunod ng namumunong Rain or Shine (8-1), ng magkasalong Alaska at Meralco na may laro kahapon (7-2) at TNT Katropa (4-3).

Kababalik pa lamang ng Beermen sa winning track noong nakaraang Linggo matapos pataubin ang TNT Katropa, 99-94 sa labang idinaos sa MOA Arena.

May bagong manlalaro na namang nadagdag sa roster ng Beermen sa katauhan ni Kelly Nabong na nakuha nila noong Huwebes sa bisa ng isang trade mula sa Globalport kapalit ni Gabby Espinas at second round pick nila sa 2020 draft.

“He’s a good addition to the team. Kelly has definitely added more depth to our frontline,’’pahayag ni San Miguel coach Leo Austria