Foreign players, ban na sa NCAA Season 96

BILANG na ang mga araw na ilalaro ng mga foreign players sa National Collegiate Athletic Association (NCAA).

HANGGANG Season 95 (2019) ang presensiya ng mga foreign players sa NCAA. (MB FILE PHOTO)

HANGGANG Season 95 (2019) ang presensiya ng mga foreign players sa NCAA. (MB FILE PHOTO)

Sa desisyon ng NCAA Board, ipinahayag ni NCAA management committee chairman Frank Gusi ng University of Perpetual Help Dalta ang nagkakaisang desisyon para tuluyan nang itigil ang pagpapalaro ng mga dayuhang estudyanteng atleta simula sa Season 96.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“The NCAA has decided this year to allow all foreign athletes to see action only until Season 95 or next year,” pahayag ni Gusi sa kanyang pagbisita sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes sa Tapa King Restaurant sa Cubao.

Ilan sa mga imports na hanggang 95 season na lamang makapaglalaro sa ilalim ng bagong panuntunan ay sina Eugene Toba ng San Beda, Prince Eze, ng University of Perpetual , Hamadu Laminou ng Emilio Aguinaldo College, Clement Leutcheu ng St. Benilde at Ongolo Ongolo ng Arellano University. Bukod sa foreign student athletes, inihayag din ni Gusi ang solidong pagsuporta ng NCAA sa House Bill hinggil sa ‘Anti- Game Fixing Act’ passed sa Kongreso.

“For purposes of this Act, game-fixing shall refer to any arrangement, combination, scheme or agreement made by any person or persons, who for valuable consideration or monetary gain, maliciously conducts or cause to be conducted any game, race, or sports competition,” ayon sa NCAA statement na inihayag ni Gusi.

Magsisimula ang Season 94 ng NCAA sa Hulyo 7 sa Mall of Asia Arena, kung saan sisimulan ng San Beda ang kanilang title defense kontra host Perpetual Help.

Inimbita ng Perpetual ang dati nilang alumna at dating league MVP na si Scottie Thompson upang pasinayaan ang opening rites.

Itinanggi naman ni Gusi na isang ‘crackdown’ sa mga foreign players ang naturang policy.

‘Hindi naman, gusto lang natin na mas mabigyan ng pgkakataaon ang ating mga homegrown talent,” aniya.

Sa MPBL na pinangangasiwaan ni Senator Manny Pacquiao, nilimitahan sa isang FIl-foreigner ang bawat koponan.

-Marivic Awitan