KIDAPAWAN CI T Y – Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Comprehensive Law on Firearms and Ammunition ang pangulo at tatlong empleyado ng Cotabato Foundation College for Science and Technology (CFCST) makaraang makitaan ng probable cause ng provincial prosecutor ng North Cotabato dahil sa pagtatago ng mga illegal na armas at droga sa bahay ng pangulo sa bayan ng Arakan, tatlong buwan na ang nakalilipas.

Sa isang dokumento, nakitaan ng prosekusyon ng sapat na ebidensiya upang kasuhan si Dr. Samson Molao, pangulo ng CFCST; at sina Anwar Maulana, alyas Astron; Gerry Miclat; at isang Jojo Gaspar, na pawang empleyado ng nasabing state college.

Kinasuhan si Molao at ang mga empleyado makaraang salakayin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang cottage ng una sa loob ng naturang paaralan kung saan nakuha ang ilang armas at hindi bababa sa 114 na gramo ng shabu noong Pebrero 2018.

Samantala, binigyan ng korte si Malao at ang tatlong empleyado ng 15 araw para maghain ng counter-affidavit.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

-Malu Mana