MARAMI ang naaliw sa ipinost na video ni Glaiza de Castro habang nagri-reading sila nina Bernadette Allyson at Gabby Eigenmann ng script para sa Contessa.

Gabby at Glaiza copy

Sa simula, seryoso ang tatlo at puno ng emosyon sa pagde-deliver ng lines, hanggang sa magkatawanan ang dalawang babae nang biglang humirit ng kanta si Gabby. Pero hindi naging rason ‘yun para masira ang kanilang konsentrasyon.

Sa isa pang post ni Glaiza na magkasama sila ni Gabby, ikinuwento ni Glaiza ang special friendship nila ng aktor.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“My Leonardo DiCarpio (kasi nga ako si Kate Winslet, gets? Lol). Bihira makatagpo ng tunay na kaibigan sa mundong ito, bukod sa napakasarap niyang kaeksena (First scene pa lang namin sa Dading, napagtanto na naming click kami eh) at mula nun kahit walang eksena naglalaro pa rin kami. Mas nagiging masaya magtrabaho kung ganito mga kasama mo.”

Sinagot ni Gabby ang post na ‘yun ni Glaiza ng “mahal kita cha!”.

Maraming nakabasa sa convo ng magkaibigan ang natuwa, dahil napatunayan ng dalawang mahusay na artista na puwedeng-puwedeng maging mabuting magkaibigan ang isang lalaki at isang babae, kahit pa pareho silang nasa showbiz.

Samantala, tinutukan ng viewers ng Contessa last Monday dahil akala nila, matutuloy ang kiss nina Gabby at Ervic Vijandre sa nasabing episode. Akala nila pinayagan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang ganung eksena, pero puro daplis at daya ang kiss.Dahil dito, walang dapat ireklamo ang viewers, at hindi maipatatawag ng MTRCB ang director o program manager ng Afternoon Prime ng GMA-7.

-Nitz Miralles