Isang hinihinalang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang dinakip ng militar na nakasagupa ng mga ito Zamboanga del Sur, nitong Sabado ng umaga.

Nasa kustodiya na ng 53rd Infantry Division (ID) ng Philippine Army (PA) ang rebeldeng si Jeery Macabinta, ayon kay Major Ronald Suscano, tagapagsalita ng 1st ID ng PA.

Nagsasagawa ng combat patrol ang 53rd IB nang makaengkuwentro ng mga ito ang grupo ni Macabinta sa Sitio Pisio, Barangay Balonai, Midsalip, bandang 11:00 ng umaga.

Umatras sa bakbakan ang mga rebelde, maliban lamang kay Macabinta na dinakma ng militar.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Naniniwala ang militar na nasugatan sa labanan ang ilang kasamahan ni Macabinta na binitbit ng mga rebelde sa kanilang pagtakas.

Walang iniulat na nasugatan sa panig ng pamahalaan.

Nabawi ng mi l i t a r kay Macabinta ang isang caliber 45 pistol at mga bala nito.

Nakatakdang sampahan si Macabinta ng kasong rebelyon at illegal possession of firearms and ammunitions.

-Fer Taboy