Patay ang isang biyuda nang aksidenteng mabaril ng kanyang lasing na live-in partner sa kanilang bahay sa San Mateo, Rizal, nitong Biyernes ng gabi.

Dead on the spot si Felipa Santidad, 52, habang nakatakas at pinaghahanap na ng awtoridad ang suspek na si Ignacio Montejas, empleyado ng Office of the Public Safety and Security (OPPS) ng San Mateo.

Sa naantalang ulat ni PO3 King Contreras, may hawak ng kaso, naganap ang insidente sa bahay ng mga ito sa Purok 2, sa Barangay Pintong Bukawe, San Mateo, dakong 8:00 ng gabi.

Sa pahayag ng apo ng biktima, hindi pinangalanan, lasing si Montejas nang maisipan nitong kumuha ng baril at pinaglaruan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Pinigilan pa umano ni Santidad ang suspek ngunit bigla na lamang umanong pumutok ang baril at tinamaan sa batok ang biktima.

-Mary Ann Santiago