YINCHUAN, China – Patuloy ang pakitang-gilas ni Francis Casey Alcantara sa international scene nang magwagi kasama ang kasanggang si Fajing Sun ng China sa men’s doubles title ng China F8 Futures International Tennis Federation tournament dito.

Ginapi ng tambalan nina top-seed Alcantara at Sun ang fourth-ranked tandem nina Kento Takeuhci ng Japan at Wishaya Trongcharoenchaikul ng Thailand, 6-4, 2-6, 10-5.

Ito ang ikalawang doubles title ni Alcantara ngayong season sa torneo na may nakatayang US$25,000 tournament (around P1.3 million).

Tinanghal din si Alcantara na Singapore F2 Futures doubles title sa nakalipas na buwan katambal si Collin Altamirano ng US. Nilupig nila sina Shintaro Imai and Takuto NIki of Japan in the championship, 6-1, 6-4.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagawang makausad nina Alcantara at Sun sa China F7 Futures sa Luzhou sa makalipas na linggo nang pataubin ang karibal na sina Rhett Purcell ng New Zealand at Sami Reinwein ng Germany, 7-5, 6-3.

Nitong Mayo, umabot sa semifinals ang tambalan nina Alcantara at Sun sa China F5 at China F6 Futures tournaments.