Sumuko ang Abu Sayaff Group (ASG) sub-leader na si Bobong Mastul, alyas Bobong, kasama ang siyam niyang tagasunod sa Army's 64th Infantry Battalion sa headquarters nito sa TARBIDC Compound, Barangay Tumahubong, Sumisip, sa Basilan nitong Biyernes.

Sa inisyal na panayam, bandang 10:00 ng umaga ay napilitan ang grupo na isuko ang kanilang armas sa 64th IB, sa ilalim ng pamumuno ni Lieutenant Colonel Philip Fagel, dahil nahirapan sa pinaigting na kampanya ng Joint Task Force Basilan.

"This was a combined effort of our troops and local government led by Sumisip Municipal Mayor Honorable Gulam "Boy" Hataman," ayon kay Brigadier General Juvymax Uy, ang commander ng Joint Task Force Basilan.

Sumuko si Bobong kasama ang kanyang mga miyembro na sina Atotong Sarahadil, alyas Atotong; Mudzrie Salahudin Jabbon, alyas Mudzrie; Sapwan Kapitan Aliman, alyas Sapwan; Nassir Jaid Tahil, alyas Bola; Hair Tiglama Kawakibon, alyas Abbang; Adeh Kawakibon, alyas Abu Muadz Rubin Ikih; Aminin Baliyong, alyas Apik; at Suedin Muril, alyas Kubing.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga armas partikular na ang tatlong M16 rifles; isang M79 grenade launcher; isang Ingram sub-machine pistol; isang 5.56mm carbine; isang M1 Garand rifle; iba’t ibang magazine at bala para sa mga nasabing armas, at iba’t ibang communication equipment.

Nasa kustodiya ng 64IB ang mga sumuko para sa profiling, custodial debriefing, at proper documentation ng mga isinukong armas.

"We, the team WestMinCom, welcomes all those who wish to lay down their arms and return to the folds of the law," ani Lieutenant General Arnel B. Dela Vega, commander ng Western Mindanao Command.

-FRANCIS T. WAKEFIELD