SAN FRANCISCO (AFP) – Malapit nang mag-takeoff ang flying car project na suportado ni Google co-founder Larry Page, sa test flights ng aspiring buyers nitong Miyerkules.

Pinasinayaan ng Kitty Hawk, pinondohan ni Page, ang ‘’Flyer’’ model na inilarawan nitong ‘’an exciting first step to sharing the freedom of flight.’’

Nilikha ang kumpanya noong nakaraang taon sa bayan ng Google sa Mountain View, California, at sinusubukan na ang prototype sa New Zealand.

Makikita ang mga imahe at detalye sa kalulunsad lamang na website sa flyer.aero, at nagpaskil ang CNN ng coverage ng isang reporter na inililipad ng Flyer sa isang lawa sa test site malapit sa Las Vegas.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Sinabi ni Kitty Hawk chief executive Sebastian Thrun, nagtatag ng Google X lab na nakaalay sa ‘’moonshots’’ tulad ng self-driving cars at internet-synched eyewear, sa CNN na ang pagpapalipad sa Flyer ay kasing dali ng paglaro ng video game na ‘’Minecraft.’’