INARESTO ng mga pulis ang kapatid nina Elmo at Maxene Magalona matapos umanong bastusin ang isang babae sa loob ng isang bar sa Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Francis

Nakakulong ngayon sa detention cell ng Taguig City Police si Francis Michael Magalona, nasa hustong gulang.

Nag-ugat ang umano’y pagkakaaresto kay Magalona makaraang hawakan umano ng huli ang puwet ng babaeng VIP host ng Revel Bar sa Bonifacio Global City (BGC).

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Naglalagay umano ng alak ang babaeng hindi pinangalanan nang lapitan siya ni Magalona sa bandang likod, at hinawakan umano sa puwet.

Kaagad namang nagsumbong ang biktima sa supervisor ng bar at tinawag ang head ng bouncer, hanggang sa madakip si Magalona.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ni Magalona kaugnay ng insidente.

-BELLA GAMOTEA