Isinusulong ni Senador Bam Aquino ang rollback sa excise tax sa mga produktong petrolyo sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law sa halip na suspension lamang.
“A suspension in 2019 is too late,” ani Aquino.
Sa kanyang Senate Bill No. 1798, hiningi ni Aquino ang rollback ng excise tax sa petrolyo kapag ang average inflation rate ay lumampas sa taunang inflation target sa loob ng tatlong buwan.
“Hindi hihigit sa P70 bilyon ang mawawala sa koleksiyon ng buwis kung i-roll back natin ang excise tax ngayon. Ipagkaloob na sana ng gobyerno iyon para ginhawaan ang mga Pilipino, i-roll back natin ang excise tax ngayon para pababain ang presyo ng bilihin at matulungan ang lahat ng sektor sa isang bagsakan,” diin ni Aquino.
-Leonel M. Abasola