BOSTON (AP) — Hindi nagamit ng Cavaliers ang tangan na ‘momentum’ sa Garden.

Ratsada si rookie Jayson Tatum sa naiskor na 24 puntos, habang tumipa si Al Horford ng 15 puntos at 12 rebounds para sandigan ang Celtics sa 96-83 panalo nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) kontra sa Cleveland Cavaliers sa Game 5 ng Eastern Conference Finals.

Tangan ng Boston ang 3-2 bentahe sa pagbabalik ng aksiyon para sa Game 6 sa Cleveland sa Sabado (Linggo sa Manila). Kung kinakailagang, babalik sa Boston para sa Game 7.

Nanatiling walang gurlis ang Celtics sa postseason sa Boston Garden sa ika-10 sunod na panalo.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Kumana si LeBron James ng 26 puntos at 10 rebounds, habang kumubra si Kevin Love ng 14 puntos para sa Cavaliers, target ang ikaapat na sunod na NBA Finals.

Maagang nakalamang ang Celtics at napanatili ang katatagan sa kabuuan ng laro sa impresibong depensa na inilatag laban sa Cavs.

Higit na umabante ang Celtics nang malimitahan sa isang field gila ang tila nahapo ng si James, bumura sa record ni Kareem Abdul Jabbar sa field goal points sa playoff sa malaking panalo ng Cavaliers sa Game 4.

Nag-ambag naman si Jaylen Brown ng 17 puntos at tumipa sina Marcus Morris at Marcus Smart ng tig-13 puntos.