MAGSASAGAWA ng libreng ‘Referee Course’ ang World Karate-do Federation referees kasabay ng pag;arga ng Philippine Nation l Game (PNG) sa Mayo 20 sa Cebu City.

Ayon kay PSC Commissioner Ramon ‘El Presidente’ Fernandez, ang libreng referee seminars ay itinataguyod ng WKF sa pakikipagtulungan ng PSC.

Gaganapin ang seminar sa 8th floor, Ballroom ng La Fortuna Hotel. Magsisimula ang programa ganap na 9:00 ng umaga.

Para matugunan ang mga pangangailangan ng mga kalahok, sinabi ni Fernandez na limitado ang slots kung kaya’t pinakikiusapan ang mga interesadong kalahok na maagang magpalista sa karatepmg2018 @gmail.com. Maaari ring makipag-ugnayan kay Mr. Richard Lim.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Ayon kay Fernandez, ang mga referee na makikibahagi sa PNG ay awtomatikong kasama sa referee seminar.