Ni Marivic Awitan
UMALIS kahapon ang reigning NCAA champion San Beda University Red Lions patungong Estados Unidos para sa isang overseas training.
Kasunod ng kanilang paglahok sa nakaraang 29th Dubai International Basketball Tournament noong nakaraang Enero, nagtungo naman ang Red Lions sa Miami, Florida upang magsanay sa ilalim ng kilalang trainer na si Coach Ganon Baker.
“Coach Ganon did one training session with us in Manila and we liked it.His camp in Florida is considered among the best in the world, and a favourite of NBA hopefuls,” pahayag ni San Beda team manager Jude Roque.
Ito ang ikatlong US training camp ng Red Lions kasunod ng naunang dalawa sa Las Vegas, Nevada sa ilalim ni coach Joe Abunassar noong 2015-2016..
“Boss MVP [Manny V. Pangilinan] wanted us to do something different this year,” pahayag ni coach Boyet Fernandez. “We trained in Las Vegas during the last two years but this time, we wanted them to experience something new para maiba naman.”
Kabilang sa mga manlalaro ng Red Lions na magsasanay sa Florida ay sina Robert Bolick, Javee Mocon, Donald Tankoua, Arnaud Noah, Joe Presbitero, Radge Tongco, AC Soberano, Jeramer Cabanag, Calvin Oftana, JB Bahio, Kemark Carino, Clint Doliguez, Eugene Toba, James Canlas,, Damie Cuntapay,,Peter Alfaro at Evan Nelle. .