Ni Fer Taboy

Natimbog ng pulisya ang isang incumbent barangay chairman matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Cavite City, kahapon.

Ang suspek ay kinilala ni Cavite City Police Office (CCPO) chief Supt. Giovannie Martinez na si Arman delos Angeles, chairman ng Barangay 42-B, Cavite City.

Dakong 3:00 ng umaga nang madakip si delos Angeles sa nasabing barangay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Iipinatupad ng pulisya ang pag-aresto sa suspek sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Agripino Morga, ng San Pablo City Regional Trial Court (RTC) Branch 29.

Matagal na umanong minamanmanan ng pulisya ang suspek dahil sa pagkakasangkot nito sa ilegal na droga.

Narekober ng raiding team ang isang coin purse, na naglalaman ng ilang sachet ng droga.