Cavs at Celts, arya sa 2-0 sa East Conference semifinals

TORONTO (AP) — Hindi babansagang ‘The King’ si LeBron James nang walang katuturan.

WALANG makapigil kay James sa tropa ng Raptors.

WALANG makapigil kay James sa tropa ng Raptors.

Sa kabila ng ingay at pambubuska ng home crowd, binalikat ni James ang Cleveland Cavaliers sa naitumpok na 43 puntos at 14 assists, para sa dominanteng 128-110 panalo kontra Raptors nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nag-ambag si Kevin Love ng 31 punto at 11 rebounds para kunin ng Cavs ang 2-0 bentahe sa Eastern Conference semifinal duel kontra sa top seeded na karibal.

Kumubra rin sina J.R. Smith ng 15 puntos, Jeff Green na may 14 puntos at George Hill na tumpia ng 13 para sa ikawalong sunod na panalo ng Cavaliers sa postseason laban sa Raptors, gayundin natuldukan ang four-game winning streak ng Toronto sa Game 2 ng playoff. Sumabak ang Raptors tangan ang 6-1 all-time record sa hosting ng Game 2.

Nanguna si DeMar DeRozan sa Raptors na may 24 puntos, habang kumana si Kyle Lowry ng 21 puntos. Tinapos ng Raptors ang regular season na may team-record 59 win at nanguna sa Eastern Conference ngayong season, ngunit napipintong masibak sa isa pang pagkakataon ni James at ng Cavs.

Tumipa si Jonas Valanciunas ng 16 puntos at 12 rebounds, habang umiskor si Fred VanVleet ng 14 puntos.

Host ang Cavaliers sa Game 3 sa Sabado (Linggo sa Manila) kung saan malamya ang marka ng Toronto 0-5 sa nakalipas na dalawang playoff duel.

Abante ang Raptors, hinayaang malusaw ang 10 puntos na bentahe sa 113-112 overtime loss sa Game 1, sa 54-45 sa kalagitnaan ng second quarter, ngunit nagawa itong mahabol ng Cavs, 63-61, sa halftime.

CELTICS 108, SIXERS 103

Sa Boston, nakabalikwas ang Celtics sa 22 puntos na paghahabol sa second period para agawin ang panalo at kunin ang dominanteng 2-0 bentahe sa kanilang EC semifina duel.

Ratsada si Terry Rozier sa final period sa naitumpok na 12 sa kabuuang 20 puntos para maibangon ang malamyang simula at makalapit sa minimithing pagbabalik sa conference finals.

Umarya ng todo ang Sixers, sa pangunguna ni JJ Redick, sa second period subalit hindi nila nasustinahan ang depens na nagamit ng Celtics para makapuntos at makalikha ng sunod-sunod na scoring run.

Nanatiling abante ang Sixers sa limang puntos bago sumambulat ang opensa ni Rozier at rookie Jayson Tatum para sa 16-4 blitz at kunin ang bentahe sa 104-97.

Nanguna si Tatum sa Celtics na may 21 puntos, habang nagsalansan sina Rozier at Marcus Smart ng 20 at 19 puntos, ayon sa pagkakasunod. Nag-ambag si Al Horford ng 13 puntos at 12 rebounds, habang tumipa si Jaylen Brown ng 13 puntos.