GENERAL SANTOS CITY – Nagsisimula na ang matinding pagsasanay si Manny Pacquiao sa pagnanais na makamit ang ika-11 world title laban kay WBA welterweight champion Lucas Matthysse ng Argentina sa Wild Card gym dito.

Matapos ang cardio workouts, kaagad na sumalang si Pacquiao sa sparring sa pangangasiwa ni trainers Buboy Fernandez at Raides “Nonoy” Neri.

Nakatakdang ang Pacquiao Vs Matthysse fight na tinaguriang “Fight of Champions,” sa Hulyo 15 sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur.

“I am excited to return to the ring once again and face a dangerous champion in a difficult and challenging fight,” ayon sa eight-weight division champion.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“I am inspired as I am also excited to face the champion,” aniya.