Ni Leandro Alborote

STA. IGNACIA, Tarlac – Patay ang isang motorcycle rider at angkas nito nang salpukin sila ng bus sa Sta. Ignacia, Tarlac, nitong Linggo.

Hindi pa rin makilala ng pulisya ang dalawa na nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Sinabi ni SPO1 Ronald Salcedo na nangyari ang aksidente sa Purok 7, Barangay Nambalan, Sta. Ignacia.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Tinatahak ng isang pampasaherong bus ang hilagang bahagi ng bayan nang masalpok nito ang motorsiklo ng mga biktima.

Nakakulong ngayon ang driver ng bus na si Edgardo Acosta, 49, may asawa, ng Bgy. Muelang, Mangatarem, Pangasinan, na kakasuhan ng reckless imprudence resulting in double homicide.