Ni Liezle Basa Iñigo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Apat na katao ang nasawi matapos sumalpok ang sinasakyan nilang sports utility vehicle (SUV) sa isang punongkahoy sa Gonzaga, Cagayan, nitong Sabado ng hapon.

Dead-on-arrival sa ospital sina Nicolo Aquino, bank employee, ng Barangay Caggay, Tuguegarao City; girlfriend nito na si Nicole Keziah Nuega; Jeng; at Vcitoria Baquiran, 16, pawang taga- San Gabriel, Tuguegarao City.

Isinugod din sa pagamutan ang tatlo nilang kasamahang nasugatan na sina Joshua de Guzman, 24; Ciela Mapala, 19; at Almond Baquiran, 18, pawang taga-Tuguegarao City.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon kay Chief Inspector Jayson Cabautan, hepe ng Gonzaga police station, pauwi na ang mga ito mula sa outing sa isang beach resort sa Sta. Ana, Cagayan at binabaybay ang national highway sa Bgy. Calayan nang maganap ang aksidente.

Nakaidlip umano ang driver na si Aquino, kaya bumangga ang sinasakyan nila sa isang punongkahoy.

Ayon pa sa pulisya, napansin ng ibang kasamahan ni Aquino, na sakay sa isang van, na mabilis ang takbo ng SUV nang maganap ang aksidente.