Ni NITZ MIRALLES

MAY tsikang nanganak na si Ellen Adarna, pero walang makapagkumpirma at walang nag-leak na litratong kuha sa hospital na pinagsilangan ng baby nila ni John Lloyd Cruz. Basta na lang lumutang ang tsika na nanganak si Ellen na ang unang balita ay sa June pa magsisilang.

ELLEN AT JOHN LLOYD

Wala ring paramdam si John Lloyd at ang mga kaibigan nila pati ang best friend ni Ellen na si Beauty Gonzales. Ang best way, maghintay na lang ang lahat sa announcement nina John Lloyd at Ellen kung totoo ang tsikang isinilang na ang baby nila.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Naintriga ang mga nakabasa sa post ng isang Sofia Romero sa Instagram na, “Congrats on motherhood. Ikaw ang nagwagi” at sinamahan ng old photo nila ni Ellen ang post.

Hayun, panay tuloy ang tanungan ng netizens.