Ni Jeffrey G. Damicog

Inihain na sa Department of Jusice (DoJ) ang kasong kriminal laban sa dalawang pulis na inaresto sa umano’y pangongotong sa mga driver ng bus at van sa isang terminal sa Pasay City.

Kinilala ang mga inaresto na sina Police Officer 2 Jerry Adjani Jubail at Police Officer 1 Michael Domalanta, kapwa nakatalaga sa Malibay Police Community Precinct.

Isinailalim sina Jubail at Domalante sa inquest proceedings sa DoJ nitong Miyerkules ng hapon, para sa robbery-extortion sa ilalim ng Article 294 ng Revised Penal Code.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sila ay inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police- Counter-Intelligence Task Force (PNP-CITF), sa entrapment operation sa Pasay City nitong Martes.

Nangongolekta sina Jubail at Domalante ng P300 hanggang P500 sa bawat bus at van upang makakuha ng pasahero ang mga ito sa mga ilegal na terminal.