Ni Reggee Bonoan

ANO kaya ang aksyon ng GMAArtist Center sa handler ni Alden Richards na nambastos ng isang babaeng editor ng pahayagan?

Alden lang po

Kitang-kita namin kung paano tinabig ng GMAArtist Senior handler ni Alden na si Leysam Sanciangco ang katotong Maricris Nicasio sa isang event nitong Miyerkules ng hapon dahil hinila niya ang aktor na muntik ikatumba ng aming katoto.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Inisip muna namin na baka hindi sinadya at hihingi ng dispensa, pero waley.

May mga imbitadong taga-media ang may-ari ng produktong ini-endorso ni Alden para ikober. Nang interbyuhin na si Alden ng TV reporter ng GMA7 na si Lhar Santiago ay okay pa itong handler ng aktor, pero nu’ng magtanong na ang katotong Maricris kung ano ang susunod na teleserye ay biglang hinila ni Sanciangco ang binata at sabay tabig sa aming katoto.

Nabalitaan ng ibang mga katoto ang ginawa ng handler ni Alden at dito na isa-isang nagkuwento na noong nasa New Jersey, USApala ang aktor at may show ay may tinulak ding senior citizen na babae ang nasabing handler.

Aware kaya ang GMAArtist Center sa ginawang ito ng kanilang handler?

In fairness kay Alden ay kinastigo raw niya ang handler niya nang makita ito at kahapon ay nag-text ang aktor at humingi ng dispensa sa katotong Maricris, in behalf of his team.