Ni Leandro Alborote

CAMP AQUINO, Tarlac City - Anim na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa 5th Infantry Division (ID) ng Philippine Army (PA) sa Sto. Niño, Cagayan, nitong Biyernes ng hapon.

Inihayag ni Northern Luzon Command (NolCom)-Public Information Officer Lt. Col. Isagani Nato na nagpasyang magbalik-loob sa pamahalaan ang nasabing mga rebelde matapos na hindi makayanan ang kanilang buhay sa kabundukan.

Kinilala ang mga sumuko na sina Recto Luminis, alyas “Orec”, 40; Marvie Bumanglag Campo, alyas “Sibol”, 30, dating commanding officer ng NPA unit; Marlon Campo Balawag, 20; Jerry Balawag Pascua, 45; Randy Baingan Tapaoan, 27; at Gellyn Danao Tapaoan, 27 anyos.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakiisa na rin ang mga ito sa isinagawang community support program (CSP) team ng 17th Infantry Battalion sa Barangay Balanni, Sto. Niño.