MATAPOS ang makasaysayang pagkwalipika ng Philippine Men’s National Football Team sa 2019 AFC Asian Cup, naitala ng ating koponan ang pinakamalaking pag-angat sa FIFA World Rankings.

Naitala ng Pinoy booters na mas kilala bilang Azkals ang pag-akyat ng siyam na baitang mula sa 122nd sa 113th matapos makatipon ng 288.53 puntos kasunod ng Kenya na may 289.08 puntos.

Kabilang ang Azkals sa Asian Cup na magsisimula sa Mayo 4 ng susunod na taon sa Dubai kasama ng Bahrain, Jordan, Thailand, Yemen at Turkmenistan..

Inaasahang magbibigay ng positibong epekto ang pinakahuling FIFA rankings para sa Azkals sa kanilang paghahanda para sa 2018 AFF Championship, na may home and away format para sa group stage.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Batay sa FIFA calendar, ang susunod na window para sa international friendly ay sa Setyembre. Ngunit, wala pang pahayag mula sa Philippine Football Federation kung sino ang susunod na kakalabanin ng Azkals.

Ngunit, bago ang lahat, hinihintay din ang pahayag ng PFF kung bibigyan ng panibagong kontrata si Thomas Dooley bilang headcoach ng koponan dahil napaso na ang kontrata nito bilang mentor. Marivic Awitan