TAMPOK ang country’s woodpushers na magtatagisan ng isipan sa pagsulong ng Philippine Executive Chess Association (PECA) Mindanao leg sa Mayo 26 na gaganapin sa Punta Isla Lake Resort sa Lake Sebu, South Cotabato.

Si entrepreneur at businessman Lito Dormitorio ang magsisilbing tournament director at punong abala sa executive event ayon kay Philippine Executive Chess Association (PECA) president Atty. Cliburn Anthony A. Orbe.

Dobleng premyo ang inilatag ni G. Dormitorio ayon pa kay Atty. Orbe kung saan ang magkakampeon ay mag-uuwi ng top prize P20,000 , ang runner-up place naman ay magbubulsa ng P14,000, tatanggap ang third place ng P10,000, habang ang fourth place ay may P6,000 at ang fifth place ay magbubulsa ng P4,000. May developmental Kiddies event na simultaneously na gaganapin at hanapin si Mr. Lito Dormitorio sa mobile number: 0949-374-1967 para sa dagdag detalye. Magpatala na sa BDO Account ni Treasurer NM Efren Bagamasbad.

Sa first leg ay nakopo ni engineer Benajmin “Benjie” Esquejo ang titulo habang nakamit naman ni engineer Arjoe Loanzon ang 2nd leg at si chemist Ritchie Evangelista ang tinanghal na kampeon sa 3rd leg.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!