Ni Fer Taboy

Patay ang isang 3-anyos na babae nang mabaril ng 12-anyos nitong pinsan sa Cebu City, Cebu, nitong Martes ng hapon.

Sa report ng Cebu City Police Office (CCPO), dead-on-the-spot si “Rico”, nang tamaan ng bala sa dibdib.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sinabi ng pulisya na naganap ang insidente sa bahay ng suspek sa Barangay Adlaon, Cebu City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ang baril na kargado ng holen at gawa sa kahoy ay nilalaro ng biktima at ng suspek nang makalabit ng suspek ang gatilyo.

Pag-aari umano ng kanilang lolo ang nabanggit na improvised gun.

Sa salaysay ng ama ng biktima, dumalaw lamang ang kanyang anak sa kanyang pinsan at sa lolo nito nang maganap ang insidente.

Paglilinaw ng pulisya, hindi magsasampa ng kaso ang pamilya ng biktima.

Agad namang isinailalim sa stress debriefing ang suspek.