Ni Nitz Miralles

TV director na si Marvin Agustin.

marvin

Siya ang kinuha ng GMA-7 para magdirek ng episode ng Magpakailanman entitled “The Wilodia Story” na love story nina Will Dasovich at Alodia Gosiengfiao na gagampanan nina Tom Rodriguez at Janine Gutierrez.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Tiyak na napakasaya ni Marvin nang kunan ng video ang script ng episode at nakasulat sa taas ng script ang “Director: Marvin Agustin.” Nag-post din siya ng “Good morning!!! This will be an awesome day!” sa first taping day niya.

Sa isa pang video, nasa loob yata ng OB van si Marvin at nasa sa taping na siya, sabi niya, “Almost done with 7 sequences! #wilodia soon on @gmanetwork.”

Sa isa pang video na magkaharap sina Tom at Janine, ang caption ni Marvin, “Soon on @gmanetwork... @akosimangtomas @janinegutierrez as #wilodia @Magpakailanman7 directed by... yours truly... please support...”

Sa naunang tweet, sabi ni Marvin, “Asking for your prayer guys... im directing my first TV project for #Magpakailanman. Thank you @gmanetwork for this. Good night peeps! Wish me luck.”

Sa interview namin kay Marvin sa presscon ng Kambal Karibal, nabanggit nitong nakatapos siya ng short filmmaking course sa isang film school sa New York dahil gusto niyang maging director. Tinawagan niya si Annette Gozon at nabanggit na nakatapos siya ng filmmaking course at gusto sanang magdirek.

Tama namang nagka-casting that time para sa Kambal Karibal, inalok ni Annette si Marvin na sumama sa cast ng soap, tinanggap niya ang karakter ng kontrabidang si Raymond. Hanggang sa dumating itong episode sa Magpakailanman na nakita siguro ng production na perfect episode sa kanya, kaya sa kanya ibinigay.

Wala pang advisory kung kailan ang airing ng “The Wilodia Story” na for sure, suportado si Marvin ng mga kasama sa Kambal Karibal.

Anyway, makikitang nag-i-enjoy si Marvin sa role ni Raymond dahil nabasa namin ang tweet niyang, “Nood na ng Kambal Karibal. Gusto ko mapanood mambuwisit na naman si Raymond!!! Hahaha” at “Nood na! Makikita nyo na naman ang nagpapangiti at nagbibigay good vibes sa inyo... SI RAYMOND!!! Hahaha!”