Ni Lyka Manalo

LAUREL, Batangas - Patay ang dalawang pulis-Batangas at dalawang hinihnalang holdaper nang magkabakbakan sa Laurel, Batangas nitong Huwebes ng hapon.

Ang mga nasawi ay kinilala ni Batangas Police Provincial Office director Senior Supt. Alden Delvo na sina Senior Insp. Alvin Kison, 26, nakatalaga sa Batangas Provincial Intelligence Branch (BPIB); at SPO2 Edilberto Eje, 38, ng Laurel Municipal Police.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dead on the spot din ang dalawang umano’y holdaper na sina Erwin Ariola at Darren Suarez, parehong miyembro umano ng robbery group na kumikilos sa Batangas.

Bandang 4:30 ng hapon at nagsasagawa ng surveillance ang grupo nina Kison at Eje sa Barangay Benirayan nang makaengkwentro ang mga suspek.

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente.