Ni Leandro Alborote

MONCADA, Tarlac – Napaulat na muling sumabit sa kaso ng droga ang isang 39-anyos na lalaki matapos na malambat sa buy-bust operations ng pulisya sa Barangay San Pedro, Moncada, Tarlac nitong Miyerkules ng hapon.

Hindi nakapalag nang arestuhin si Rogelio Aglubat, Jr., may asawa, ng Bgy. Asili, Anao, at isang drug surrenderer.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Narekober umano kay Aglubat ang tatlong transparent plastic sachets na naglalaman ng hindi pa matiyak na gramo ng shabu, marked money at cell phone na ginagamit umano nito sa mga ilegal na transaksiyon.