Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY - Posibleng maharap sa paglabag sa Anti-Child Abuse Law ang isang ginang matapos umano niyang sapukin at tirisin ang tainga ng isang Grade 5 pupil sa loob ng San Vicente Elementary School sa Tarlac City, nitong Miyerkules ng hapon.

Sinabi ni PO2 Dulia Dumpao na ang biktima ay isang 11 anyos na residente ng Barangay San Pablo, Tarlac City.

Pinaghahanap pa rin ng pulisya ang suspek na nakilalang si Leonora Jayco Quiazon, 44, ng Block 7, Bgy. San Vicente, Tarlac City.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nagalit umano ang suspek at sinugod sa silid-aralan ang bata para kumprontahin kaugnay ng ginagawa umanong pambu-bully sa anak ng suspek.

Bigla na lamang umanong pinagsasapak ng ginang ang biktima at piningot pa umano ang tainga ng bata.

Sinasabing wala ang guro sa loob ng silid-aralan nang sinugod ng suspek ang bata.