Ni Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija - Naaresto ng pulisya ang isa umanong babaeng drug pusher matapos bentahan ng ipinagbabawal na gamot ang isang pulis sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay San Juan Accfa, Cabanatuan City, Nueva Ecija, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, ang suspek na si Mary Joy Diaz, 40, dalaga, ng Purok 6, Bgy. Imelda ng lungsod, na nakipagnegosasyon umano kapalit ng P500 marked money.

Dakong 8:40 ng gabi nang dakpin ng pulisya ang suspek nang kumagat ito sa buy-bust operation ng pulisya.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nakakulong na ang suspek sa Cabanatuan City Police at nahaharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 (Republic Act 9165).