Ni Leandro Alborote

SAN JOSE, Tarlac – Sugatan ang apat na katao sa salpukan ng motorsiklo at tricycle sa Barangay Maamot, San Jose, Tarlac, nitong Lunes.

Isinugod sa San Jose Lying-in Clinic sina Mario Escobar, 58, driver ng Rusi motorcycle; at Ronald Salvador, 41, driver ng tricycle, ng Bgy. Maamot; Jonavic Gonzales, 28; at Maricel Rigor, 38, ng Bgy. Sula, San Jose, Tarlac.

Probinsya

DepEd Antique, nagsalita tungkol sa principal na 'tumalak' sa graduation rites

Sa imbestigasyon ni SPO1 Arham Mablay, binabagtas ng motorsiklo ang nasabing lugar nang makasalubong at mabangga ang tricycle, bandang 5:30 ng hapon. Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.