Ni Marivic Awitan

HINDI na pupuwede ang maghabol sa mga susunod nilang laro sa Finals ang Magnolia Hotshots.

San Miguel's June Mar Fajardo blocks Magnolia's Ian Sangalang during the PBA Philippine Cup Finals Game 2 at Mall of Asia Arena in Pasay, March 25, 2018 (Rio Leonelle Deluvio)

San Miguel's June Mar Fajardo blocks Magnolia's Ian Sangalang during the PBA Philippine Cup Finals Game 2 at Mall of Asia Arena in Pasay, March 25, 2018 (Rio Leonelle Deluvio)

Mismong mga manlalaro na ng koponan ang nakakita at nagpahayag ng kanilang naging obserbasyon matapos ang unang dalawang laro sa best-of- seven series na tabla ngayon sa 1-1.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Inamin ng Game 1 hero na si Ian Sangalang na hindi siya maaaring maghahabol na lamang ang Hotshots at maniwalang kaya nilang makabalik at manalo laban sa Beermen, ang reigning 3-time Philippine Cup champion.

Noong Game 2, inakala ng maraming mayroong dejavu sa kaganapan sa Game 1 kung saan naibaba ng Magnolia hanggang pito ang 21-puntos na lamang ng SMB, sa bungad ng fourth canto.

Ngunit, ang inaasahang pagtatapos ay hindi nangyari dahil sa nasabing pagkakataon ay hindi bumitaw ang Beermen at sa halip ay gumanti ng 10-0 blast upang tuluyang matiyak ang panalo at maitabla ang serye.

“Hindi puwedeng laging ganun,” ani Sangalang. “Mahihirapan kami ‘pag ganun ang mangyayari.

“Dapat hindi na pwede lumamang ang San Miguel,” aniya.

“Hindi pwedeng laging ganun, eh! experienced team ‘yan, champion team yang San Miguel eh!,” pagsang-ayon naman ng kanilang head coach na si Chito Victolero. “Yung character niyan buo. Kapag ganun lagi na maghahabol kami, hindi namin masu-sustain talaga.”

Bagama’t nagawa nilang malimitahan ang reigning Most Valuable Player na si June Mar Fajardo sa 12 puntos at 13 rebounds, nagawa namang punuan ang kanyang kakulangan ng kanyang teammates partikular sina Arwind Santos , Marcio Lassiter at Alex Cabagnot na nagsipagtala ng 25, 16 at 15 puntos ayon sa pagkakasunud.

“Na-limit namin si June Mar, yung shooters naman ang nakaka-shoot,” pahayag ni Sangalang.

“[At] Kailangan may game-plan kami sa pick-and-roll nila. Kailangan ma-review namin kung ano yung dapat gawin.

Mahirap yung June Mar-Cabagnot o June Mar-Lassiter. Kailangan may panlaban kami dun,” wika ni Sangalang.