Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Ipinangako muli ni Pangulong Duterte sa mga Indigenous People (IP) sa Mindanao na tutulungan niya ang mga ito na mamuhay nang maayos.

Sa kanyang pagbisita sa Davao City nitong nakaraang linggo, hinarap niya ang mga katutubo mula sa tribal communities sa rehiyon at sinabing bibigyan niya ng traktora at mga punla ang mga ito kasabay na rin ng panawagang pangalagaan ang mga ito.

"I will help you survive, but you have to start now. I will give you assistance to cultivate your lands. By taking care of your equipment it will function as it was intended to and last longer," ani Duterte.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Matatandaang inihayag na ng Pangulo noong nakaraang buwan na magpapalabas ito ng P100 milyon sa mga komunidad ng katutubo, kabilang na ang mga Lumad, para sa kabuhayan ng mga ito.

Minamadali na rin, aniya, ng pamahalaan ang pagpasok ng mga mamumuhunan at tulong ng gobyerno sa mga lugar ng katutubo.

“You have to learn something, a skill to help your family," pahayag ng Pangulo.

NPA ‘WAG NANG SUPORTAHAN

Nakiusap din siya sa mga katutubo na itigil na ang pagsuporta sa New People’s Army (NPA).

Kasama ni Duterte sa lugar ang 35 dating kaanib ng NPA na nagbagong-buhay na matapos sumuko sa pamahalaan.