NEW YORK (AP) — Binasag ang limang araw na pananahimik, humingi ng paumanhin si Facebook CEO Mark Zuckerberg dahil sa “major breach of trust,” at inamin ang mga pagkakamali at inilatag ang mga hakbang para protektahan ang user data sa gitna ng privacy scandal na kinasasangkutan ng data-mining firm na konektado kay US President Donal Trump.
“I am really sorry that happened,” ani Zuckerberg sa eskandalo na kinasasangkutan ng Cambridge Analytica. Sinabi niya na may “responsibility” ang Facebook na protektahan ang data ng users, sa panayam ng CNN nitong Miyerkules.
Kapag nabigo ito, aniya, “we don’t deserve to have the opportunity serve people.”
Naganap ang kanyang mea culpa sa cable television ilang oras makaraan niyang aminin ang pagkakamali ng kumpanya sa isang Facebook post, ngunit hindi nag-sorry.
Nanahimik sina Zuckerberg at Facebook No. 2 executive, Sheryl Sandberg simula nang pumutok ang balita noong Biyernes na maaaring ginamit ng Cambridge ang data na ilegal na kinuha mula sa halos 50 milyong Facebook users para impluwensiyahan ang eleksiyon. Kabilang sa mga kliyente ng Cambridge ang election campaign ni Trump.