Ni Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac City - Pinaniniwalaang biktima ng summary execution o salvaging ang dalawang lalaking natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Tarlac City kahapon ng umaga.

Ang unang bangkay, na tinatayang may edad 25-30, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng ng dark blue pants at multi-colored long sleeves, ay nagtamo ng mga tama ng baril sa katawan at nadiskubre sa Barangay Dalayap.

Narekober ng pulisya sa lugar ang limang basyo ng bala ng .45 caliber pistol.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ang isa pang bangkay na natagpuan naman sa Sitio Samberga sa Bgy. Sapang Maragul, Tarlac City, kahapon ng umaga.

Ang lalaki ay nakasuot ng dark blue short pants na may puting stripe, 5'4'' ang taas, katamtaman ang pangangatawan, 35-40 ang edad, may tattoo sa kaliwang balikat, at walang damit pang-itaas.

Iginapos at binalutan ng pulang plastic tape ang ulo ng biktima.