Ni Kate Louise B. Javier

Patay ang isang tricycle driver makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Caloocan City, nitong Lunes ng gabi.

Dead on arrival sa Manila Central University Hospital si Arnold Martinez 44, na nagtamo ng dalawang tama ng bala ulo at katawan.

Sa ulat ng Caloocan City Police, nag-aabang ng masasakyan ang biktima, kasama ang kanyang anak na lalaki, sa tapat ng supermarket sa Malolos Avenue nang sumulpot ang dalawang suspek na sakay sa isang motorsiklo at binaril ang biktima, dakong 6:15 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktima.

Ayon sa kamag-anak ng biktima, wala silang alam na motibo sa pamamaril dahil wala umanong kaaway si Martinez.

Narekober sa pinangyarihan ang dalawang basyo at tingga ng kalibre .45 pistol.