Ni Mary Ann Santiago

Isasailalim na ng Department of Transportation (DOTr) sa rehabilitasyon ang Zamboanga International Airport (ZIA).

Ito ay matapos na madismaya si DOTr Secretary Arthur Tugade sa natuklasang kondisyon ng naturang paliparan.

Nauna rito, nagsagawa ng sorpresang inspeksiyon si Tugade sa paliparan, kasama si Aviation Undersecretary Skee Tamayo at iba pang opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Napansin ni Tugade ang napakaliit na baggage carousel ng paliparan, gayundin ang kakulangan sa gang chairs at passenger seats sa boarding areas.

Bukod dito, nadiskubre rin nito ang lubak-lubak na runway ng airport.

Kaagad nang iniutos ng kalihim ang rehabilitasyon sa paliparan, kabilang na ang pagbili ng mga bagong gang chair at bagong baggage carousel.