Ni Lyka Manalo

BATANGAS CITY, Batangas - Dinakip ng pulisya ang isang nag-AWOL (absent without official leave) na pulis at pinsan nito sa isinagawang anti-drug operations sa Batangas City, nitong Linggo ng hapon.

Ang dalawang suspek ay kinilala ni Supt. Wildemar Tiu, hepe ng Batangas City Police, na sina PO2 Kristofferson Reyes, 35, dating nakatalaga sa Region 4A; at Henry Banaira, 52, ng Taysan, Batangas.

Aniya, dakong 4:40 ng hapon nang maaresto ang dalawa sa drug bust operation ng City Drug Enforcement Unit sa Barangay Libjo, sa naturang lungsod.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 10 gramo ng ipinagbabawal na gamot, na nagkakahalaga ng P18,500.

Nasamsam din sa pag-iingat ng mga ito ang isang .9mm caliber pistol, mga bala at cell phone.

Nakapiit ngayon sa Batangas City Police headquarters, kakasuhan ang mga suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165) at illegal possession of firearms and ammunitions.