Ni Liezle Basa Iñigo

Isinugod sa ospital ang isang menor de edad matapos umanong kuyugin ng tatlong kabataan sa pampublikong eskuwelahan sa Ballesteros, Cagayan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Eduardo Serrano, Jr., kinilala ang biktima na si Orlando (hindi tunay na pangalan), 15, ng Barangay Linao, Aparri, Cagayan.

Hindi na rin binanggit ng pulisya ang pagkakakilan ng tatlong suspek dahil mga menor-de-edad pa ang mga ito.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nag-ugat aniya ang pambubugbog dahil sa pagseselos umano ni Conde sa biktima na malapit sa kasintahan nito.

Nitong nakalipas na araw aniya ay bigla na lamang sinugod ng tatlo ang biktima sa kantina kung saan ito sinampal.

Nagawang makatakas ng biktima ngunit sinundan pa ito sa kanyang klase kung saan nangyari ang pambubugbog.

Nahaharap ang tatlong suspek sa kasong frustrated homicide nang isampa ito prosecutor’s office.