Ni Mary Ann Santiago

Nahuli umano sa aktong bumabatak ang 10 katao na nakumpiskahan pa ng mga patalim at baril sa Oplan Galugad sa Pasig City, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Romar Canapi; Jember Bagayo; Ricky Biclar; Leonardo Daleja; Joseph Enoc; Efren Obias; Joseph Misa; Lhister Redulla; Renato Estrella; at Angelito Cagbabanwa, na pawang nasa hustong gulang at residente ng Pasig City.

Sa ulat ng Pasig City Police, sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Police Community Precinct (PCP) 6 at BSF Barangay Sta. Lucia ang mga bahay sa isang estero sa Eastbank Road sa nasabing barangay, dakong 7:00 ng gabi.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nabulaga at hindi na nakapalag ang mga suspek sa aktong gumagamit ng ilegal na droga.

Nakumpiska sa mga suspek ang 10 pakete ng hinihinalang shabu, apat na patalim, dalawang sumpak, at drug paraphernalia.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa illegal possession of firearms (RA 10591); illegal possession of bladed weapons (BP 6); at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).