May 22, 2026

Home BALITA National

Katabi sana si De Lima! Nameplate ni VP Sara, nilagay pa rin kahit hindi sumipot sa impeachment hearing

Katabi sana si De Lima! Nameplate ni VP Sara, nilagay pa rin kahit hindi sumipot sa impeachment hearing
Photo courtesy: Santi San Juan/MB

Inilagay pa rin ang nameplate ni Vice President Sara Duterte sa loob ng People’s Center ng House of Representatives of the Philippines nitong Miyerkules, Marso 25, 2026, sa unang pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng impeachment case laban sa bise presidente, kahit na nag-abiso na ang legal counsel na hindi siya dadalo rito.

Makikita sa mga larawan na inilagay ang nameplate ni Duterte sa upuan na katabi sana ng para kay Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima, na dumalo naman sa nabanggit na pagdinig.

Matatandaang ayon kay Atty. Michael Poa, na kumakatawan kay Duterte, nauna nang ipinaabot ng kanilang panig na hindi dadalo ang kaniyang kliyente sa mga pagdinig kaugnay ng impeachment proceedings.

Samantala, naglabas din ng opisyal na pahayag ang bise presidente tungkol sa kinakaharap niyang impeachment.

Sinabi niyang may mas mapanganib umanong suliraning kinakaharap ang mga Pilipino sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga produkto.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

“Ang suliranin ng bayan ngayon ay ang nanganganib na pagsasara ng mga negosyo, ang pagkawala ng trabaho, at ang hirap ng bawat pamilyang Pilipino dulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produkto,” aniya.

Buwelta pa niya, ginagamit lang daw upang makabuo ng naratibo ang hindi niya pagsagot sa imbitasyon ng House Committee on Justice na dumalo sa kanilang pagdinig.

Ang imbitasyon na dumalo sa pagdinig ng Committee on Justice ay tila ginagamit upang makabuo ng isang media narrative na magkakaroon ng “mini-trial,” batay sa umano'y hindi ko pagsagot at hindi pagdalo,” aniya.

Dagdag pa niya, “Sa ganitong paraan, ginagamit ang mga pagdinig upang makapagsagawa na naman ang House of Representatives ng ikatlong fishing expedition laban sa akin.”

Maki-Balita: VP Sara, mas pipiliin tumulong sa mga Pilipino kesa dumalo sa impeachment hearing!