May 13, 2026

Home BALITA National

415 gasoline stations sa bansa, pansamantalang tigil-operasyon

415 gasoline stations sa bansa, pansamantalang tigil-operasyon
Photo courtesy: MB


Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na aabot sa 415 na gasolinahan sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ang nakatigil-operasyon sa kasalukuyan dahil sa “supply constraints” pagdating sa mga produktong petrolyo.

“As of 7:00 AM today, monitoring shows that out of 14,269 gas stations nationwide, 415 are temporarily not operational due to supply constraints,” saad ng PNP sa kanilang ulat nitong Miyerkules, Marso 25.

Anila, “The regions with the highest number of closures are Cordillera Administrative Region with 78 stations, Cagayan Valley with 50, Central Luzon with 42, Calabarzon with 35, and Bicol Region with 30, while most other areas continue to maintain normal operations.”

Gayumpaman, iginiit nilang sila ay nananatiling nakahanda sa pagmo-monitor matapos ideklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang “State of National Energy Emergency” sa bansa noong Martes ng gabi, Marso 24.

“Mahigpit nating binabantayan ang sitwasyon. Hindi natin papayagan na samantalahin ito ng ilan para manloko o mang-abuso. Our police forces are on the ground to ensure that order is maintained and that our people are protected,” saad ni PNP chief General Jose Melencio Nartatez Jr.

“As the effects of the global crisis reach us, we expect attempts at hoarding, overpricing, and even scams. We warn those planning to take advantage—the PNP will not hesitate to enforce the law. I-report agad ang anumang iregularidad, at iwasan ang pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon,” dagdag pa niya.

KAUGNAY NA BALITA: PNP, suportado deklarasyon ni PBBM ng national energy emergency-Balita

Nilinaw din ng ahensya na katuwang nila ang Department of Energy (DOE) at local Municipal Price Coordinating Council sa pagmo-monitor ng suplay at presyo ng krudo at langis sa bansa.

Matatandaang isa ang PNP sa mga ahensya ng pamahalaan na patuloy na nagbabantay sa isyu ng presyo at suplay ng krudo sa bansa, katuwang ang DOE at Department of Interior and Local Government (DILG).

Layunin ng pagtutulungang ito na maantabayanan at mapigilan ang mga posibleng insidente ng hoarding, overpricing, at profiteering sa produktong petrolyo.

MAKI-BALITA: DOE, DILG, PNP sanib-puwesa vs hoarding, profiteering ng produktong petrolyo-Balita