Ni Jun N. Aguirre at Argyll Cyrus B. Geducos

BORACAY ISLAND - Aabot sa 30 ilegal na istruktura ang giniba ng pamahalaang lokal ng Malay sa Aklan sa Puka Beach sa Barangay Yapak sa Boracay Island.

Idinahilan ni Rowena Aguirre, executive assistant to the mayor, na inuna nila ang Puka Beach dahil pawang light structures lamang ang matatagpuan sa lugar, at hindi nangangailangan ng specialized equipments.

Nangako naman si Aguirre na isusunod ng lokal na pamahalaan ang malalaking istruktura, gaya ng mga hotel sa Boracay. 

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Isinagawa ang demolisyon alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Duterte na linisin ang buong isla laban sa lahat ng ilegal na gawain.

Inaasahan namang hindi bababa sa dalawang buwan ang isasagawang demolisyon sa mga ilegal na istruktura sa isla.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga turista sa ilang beses nang kinilala bilang isa sa pinakamagaganda sa mundo.

Kaugnay naman ng plano ni Pangulong Duterte na magdeklara ng state of calamity sa Boracay, nagbabala ang Presidente na kakasuhan ng sedition ang mga negosyante na hindi makikipagtulungan sa rehabilitasyon sa isla.

“Sa Boracay, suplado ‘yung mga tao, ayaw mag-cooperate,” sinabi ng Pangulo sa isang speech sa Tarlac City nitong Miyerkules.

“Kasi kung ayaw nila mag-cooperate, and they begin to protest, eh kayo naman ang may kasalanan diyan, you were responsible for the damage all these years. Pati ‘yung mga (even the) local officials who were all nonchalant of the problem there, aarestuhin ko kayong lahat,” anang Pangulo. “And if you put up a fight then I’ll charge you for sedition, preventing government to do what is good for the Filipino people.”