Laro Ngayon

(Rizal Memorial Stadium)

8 n.u. -- AdU vs DLSU (Men)

2 n.h. -- UE vs FEU (Men)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

4 n.h. -- Ateneo vs NU (Men)

TARGET ng defending champion Ateneo ang ikaapat na sunod na panalo sa pakikipagtuos sa National University sa pagsisimula ng ikalawang round ng UAAP Season 80 men’s football tournament ngayon sa Rizal Memorial Stadium.

Nakatakda ang duwelo ganap na 4:00 ng hapon.

Sa iba pang laro, magtutuos ang University of the East at Far Eastern University sa 2:00 ng hapon, habang magkakasubukan ang De La Salle at Adamson University sa 8:00 ng umaga.

Tangan ang 15 puntos, nasas ikalawang puwesto ang Ateneo sa likod ng nangungunang University of the Philippines.

Huling umarya ang Eagles laban sa bokyang Adamson, 2-0, gayundin sa FEU, 4-3.