Ni Liezle Basa Iñigo

SAN CARLOS CITY, Pangasinan - Malaki ang posibilidad na may kaugnayan sa pautang na “5-6” ang motibo sa pagpatay sa isang negosyante sa San Carlos City, Pangasinan, nitong Martes ng hapon.

Sa report ng San Carlos City Police, ang biktima ay nakilalang si Mark Arwin Rosario, 30, alyas “Tot-tot”, ng Barangay Palaming, San Carlos City.

Sinabi ng imbestigador na nakita umano ang biktima na may ka-away bago maganap ang krimen.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Si Rosario ay nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa katawan na naging sanhi ng agaran nitong pagkasawi.