Ni Aaron Recuenco

Ginagalugad na ngayon ng mga pulis sa Metro Manila ang mga lugar na posibleng pagtaguan ng mga recruiter at tagasuporta ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Ito ang inihayag ni National Capital Region Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde kasabay ng pagsasabing maaaring kinakanlong ng mga Muslim community sa National Capital Region ang ilang miyembro ng Maute Group na tumakas sa Marawi City.

Pinagbatayan ni Albayalde ang nakaraang pagkakadakip ng pulisya sa isang umano’y miyembro ng Maute nitong nakaraang linggo.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“This is the reason why we are not lowering the alert level here in Metro Manila. We are still on full alert because we do not want terror activities here,” ani Albayalde.

Bahagi lamang, aniya, ng kanilang hakbang ang regular na pagsasagawa ng pagmamanman sa mga lugar na tinitirahan ng mga Muslim na posibleng pinaglulunggaan ng mga ISIS sympathizer, o ginagamit sa pangangalap ng mga panibagong kaanib ng grupo.

Nilinaw naman kaagad ni Albayalde na hindi nangangahulugang pinagtataguan ng mga terorista ang lahat ng lugar ng mga Muslim sa Metro Manila.

“Leaders of these Moslem communities are very cooperative. They themselves do not want their names and their communities yo be tarnished and they even vow to cooperate with the authorities in locating and identifying suspected terrorists hiding in their areas,” sabi ni Albayalde.